DOH, may payo sa mga nagpaturok ng magkaibang brand ng bakuna kontra COVID

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga naturukan ng magkaibang brand ng bakuna na makipag-ugnayan sa vaccination center kung saan sila nagpaturok.

Ito ay kapag nakaranas ng reaksyon sa bakuna.

Ganito rin ang payo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga nagpaturok ng pangatlong dose ng COVID-19 vaccine


Sa kabila nito, nilinaw naman ni Vergeire na hindi naman makakasuhan ang mga nagpaturok ng ikatlong dose ng bakuna.

Ang reaksyon ng DOH ay kasunod ng post ng isang fully vaccinated na ng Sino1vac sa Mandaluyong City pero nagpaturok pa rin ng Moderna.

Facebook Comments