Mahigit 13,000 household, target na mabigyan ng ayuda ng Pasay City government

Tiniyak ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na mabibigyan ng sapat na ayuda ang mahigit sa 13,830 household sa Rafael Palma Elementary School sa Barangay San Isidro, Pasay City.

Ayon kay Mayor Rubiano, dumating din si Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Capital Region (NCR) Regional Director Gregorio Tomas at Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Martin Diño para obserbahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng Barangay San Isidro sa naturang eskwelahan.

Ikinatuwa naman ng mga residente ng Rafael Palma Elementary School nang makaraang mabigyan ang 783 household kung saan ang karamihan sa mga nagtungo sa lugar ay pawang mga senior citizens.


Paliwanag naman ng alkalde na naging maayos naman ang pamamahagi ng mga lokal na pamahalaan kung saan may itinakda silang oras sa mga benipisyaryo na magtutungo sa lugar.

Mahigpit na binabantayan ng Southern Police District – Explosive Ordnance Disposal (SPD-EOD) ang lugar kung saan kumukuha ng ayuda ang mga residente.

Pinuri naman ni DSWD NCR Regional Director Tomas ang proseso ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay sa kanilang pamamahagi sa mga ayuda para sa mga apektado ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments