Aabot na sa mahigit 1,400 ang kaso ng leptospirosis sa bansa.
Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 1,462 ang leptospirosis cases mula Enero 1 hanggang Agosto 13.
Ito ay mataas na 17% kumpara sa 1,249 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon pa sa DOH, karamihan sa mga kaso ay mula sa Metro Manila na may 274 leptospirosis cases.
Sinundan ito ng Cagayan Valley at Western Visayas, na kapwa mayroong 174 na kaso; Central Visayas, 118; Davao Region 115; at Central Luzon na may 112 cases.
Habang, sumampa naman sa 203 ang naitalang nasawi dahil sa leptospirosis, kung saan mas mataas ito ng 13.9% sa naitalang 131 cases noong 2021.
Facebook Comments