16, sugatan matapos bumulusok ang isang drop tower ride sa India

96

Sugatan ang 16 na katao matapos bumulusok ang isang droptower ride sa India na may taas 50 talampakan.

Makikita sa video na paikot-ikot ito habang may sakay na mga mananakay nang bigla itong nag-malfunction at bumagsak sa lupa.

Karamihan sa mga sakay ito ang mistulang tumalbog mula sa pagkakaupo bunsod ng lakas ng impact nito.


Dahil dito, ipinasara muna ang travelling carnival habang iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nangyaring insidente.

Facebook Comments