Mahigit 14,000 Direct Cash Payout waitlisted families sa Region 2, Nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng SAP

Cauayan City, Isabela- Umabot na 14,051 waitlisted families para sa ‘direct cash pay-out’ ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong Lambak ng Cagayan.

Ayon kay Regional Information Officer Jeanet Lozano ng Pantawid Pamilya Program, nasa kabuuang 15,499 ang naisama sa listahan ng mga tatanggap.

Aniya, ilan naman sa dahilan kung bakit hindi pa nakukumpleto ang nasabing bilang ay ang posibleng deduplication o di naman ay kulang ang mga naisumiteng impormasyon ng benepisyaryo.


Ibinahagi rin ni Lozano ang mga lugar na nakatanggap na ng ayuda na kinabibilangan ng Probinsya ng Batanes na 32 families; Cagayan; 6,252; Isabela 5,407; Nueva Vizcaya ,564; Quirino 796.

Paliwanag pa ni Lozano, may ilan pang bayan sa Isabela ang hindi pa nakakapagsumite ng kumpletong listahan sa kanilang ahensya gaya ng Burgos, Jones, Quirino, San Agustin, San Manuel, San Mateo maging ang coastal town na Palanan, Maconacon at Dinapigue.

Tiniyak naman ng ahensya na maibibigay ang ayuda sakaling makumpleto ang mga kinakilangang dokumento na magmumula sa mga Local Government Unit (LGUs).

Facebook Comments