Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umaabot sa 14,211 tonnes na volcanic sulfur dioxide ang namataan sa bunganga ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, ito ang pangalawa sa pinakamataas na naitala ngayong taon matapos ang maitala ang 10,000 tonnes na ibinubugang asupre ng Bulkang Taal noong buwan ng Enero ngayong taon.
Paliwanag ng PHIVOLCS, inihayag umano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na umabot ang amoy ng asupreng ibinuga ng Taal sa ilang barangay partikular na sa Barangay Bilibinwang at Banyaga sa Munisipalidad ng Agoncillo.
Wala namang naiulat na volcanic smog o ‘vog’ dahil katamtaman lamang ang hangin sa lalawigan batay na rin sa monitoring ng ahensiya.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, ibig sabihin nito ay nananatili ito sa abnormal na kondisyon ang bulkan.