Umabot na sa 14,880 na mga paglabag ang naitala ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa “Non-Contact Apprehension Program” sa lungsod na sinimulang ipatupad noong Disyembre 7 ng nakaraang taon.
Ayon sa datos ng MTPB, ang mga pinakamataas na violations ng mga motorista ay ang obstruction of the pedestrian lane, disregarding lane markings at disregarding traffic lights.
Paliwanag ng pamunuan ng MTPB, marami sa motorista ang hindi nakakasunod sa lane markings kung saan ang mga behikulo lamang na liliko, pakanan o kaliwa ang dapat gumamit ng takdang linya.
Na-monitor din ng MTPB na may mga motorista na agad umaandar kahit hindi pa naka-go signal ang mga stoplight sa lungsod.
Sa ngayon ay tinatayang nasa 36 na kamera ang nakalagay sa mga pangunahing kalsada ng lungsod ng Maynila na gumagana bente kwatro oras.