
Inaasahang magde-deploy ng mahigit 15 libong personnel ang Philippine National Police (PNP) para sa mga magkikilos protesta sa September 21.
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Acting Chief BGen Christopher Abrahano, layon ng nasabing deployment na matiyak na payapa ang mga isasagawang rally kasabay ng pagrespeto sa kanilang karapatan sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Aniya, nakaantabay ang pulisya sa mga nasabing kilos-protesta para na rin hindi na maulit muli ang mga nangyaring kaguluhan noong nakaraang taon.
Sa ngayon ay wala pang natatanggap ang NCRPO na anumang rally permit mula sa mga lokal na pamahalaan.
Inaasahan naman na magtataas din ng alerto ang pulisya para sa nasabing mga inaasahang kilos-protesta.
Facebook Comments










