Thursday, September 10, 2026

PBBM, ipinauubaya na sa defense team ang diskarte sa impeachment ni VP Sara

Hindi makikisawsaw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa takbo ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, updated ang Pangulo sa mahahalagang nangyayari sa bansa, pero hindi nakatuon ang kanyang atensyon sa paglilitis laban sa Bise Presidente.

Hinahayaan na lamang umano ng Malacañang ang prosecution at defense na gumawa ng kani-kanilang estratehiya sa impeachment court.

Samantala, nasa kamay na ng impeachment court ang desisyon kung magpapalabas ng subpoena para piliting humarap si VP Sara sa paglilitis.

Nasa depensa rin kung hihilingin nilang tumestigo o humarap ang Bise Presidente.

Facebook Comments