Mahigit 150 pasyente sa Cainta, Rizal, nakarekober sa COVID-19

14

Umaabot na sa 154 ang mga naka-recover sa COVID-19 sa Cainta, Rizal, pero umakyat naman sa 244 ang mga confirmed cases, habang 20 rito ang nasawi.

Sa talaan ng Cainta, Rizal ang Brgy. San Andres, ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may 73, sumunod ang Brgy. San Isidro na may 66, habang pinakamababa ay ang Brgy. Sta. Rosa na may 2 kaso.


Sa ngayon ay nasa 70 ang COVID-19 active cases ng Cainta.

Ayon kay Mayor Kit Nieto, mahigpit ang kaniyang tagubilin sa lahat ng mga mamamayan ng Cainta, Rizal na panatilihin ang social distancing at laging magsuot ng face mask kung lalabas sa kani-kanilang mga bahay.

Facebook Comments