Mahigit 1,500 na panibagong Omicron variant cases, naitala ngayong araw sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang panibagong 1,569 Omicron (B.1.1.529) variant cases na naitala sa bansa, habang 16 ang bagong Delta (B.1.617.2) variant cases.

Sa 1,569 na Omicron variant cases, 1,458 ang local cases, 76 Returning Overseas Filipinos (ROFs), at ang 35 na bagong kaso ay inaalam pa ang address.

72 na kaso ang aktibo pa, 4 ang binawian ng buhay, 1,403 ang gumaling na at 90 cases ay bine-verify pa.


Sa ngayon, 2,722 na ang kabuuang kaso ng Omicron variant sa bansa kung saan 9 dito ang binawian ng buhay.

Habang patuloy naman na bumababa ang mga bagong kaso ng Delta variant sa bansa.

Ang total Delta variant cases na sa bansa ay 8,663 at 628 lang sa mga kasong ito ang natukoy na fully vaccinated.

Facebook Comments