Ayon kay Michelle Lumas-I ng tanggapan ng City Agricultural Services (OfCAS), ang mga natukoy na benepisyaryo ay ang mga rehistrado sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) kung saan makakatanggap ang mga ito ng dalawang bags ng certified rice seeds sa bawat ektarya ng sakahan.
Ipinaliwanag ni Lumas-i na ang pagbibigay ng rice seeds ay isa sa apat na components ng RCEF sa ilalim ng PhilRice kasama ang tatlong probisyon ng farm machinery and equipment sa PhilMech, credit assistance mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP), at extension services mula sa Agricultural Training Institute (ATI) at Technical Assistance and Skills Development Authority (TESDA), ang lahat ay pinondohan ng pamahalaan.
Aabot sa 7, 500 ng certified rice imbred ang naipamahagi na at umaasa ang tanggapan na matatapos ang distribusyon bago ang nakatakdang schedule ng water release mula sa National Irrigation System na pinangangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA).
Hinimok ang mga magsasaka at mangingisda na magpalista sa RSBSA para mapabilang sa mga iba’t ibang programa at serbisyo na ibinigay ng pamahalaan.
Pinuri naman ni Tabuk City Mayor Darwin Estrañero ang efforts sa profiling ng datos ng local farmers.