Build, Build, Build ipagpapatuloy ni incoming DPWH Sec. Manuel “Manny” Bonoan

109

Pagsulong sa mga imprastraktura ng bansa.

Isa yan sa mga magiging prayoridad ni San Miguel Corporation (SMC) Tollways President and Chief Executive Officer Manuel “Manny” Bonoan sa pag-upo bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Nabatid na isa si Bonoan sa mga pinangalanan ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang miyembro ng kaniyang gabinete at magiging DPWH secretary.


Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Bonoan na bibigyan niyang pansin ang mga road network at mga imprastraktura bilang suporta sa agrikultura at turismo sa bansa.

Dagdag pa ni Bonoan, napag-usapan na nila ni President-elect BBM na ipagpapatuloy ang “Build, Build, Build Program (BBBP) na sinimulan ng Duterte administration.

Aniya, malaki ang naitutulong ng BBB program sa bansa tulad ng pagbibigay ng trabaho sa maraming pilipino at pagsigla ng ekonomiya.



Bukod dito, inutos din ni President-elect Bongbong Marcos sa kaniya na iprayoridad ang mga proyekto na makakatulong sa muling pagbangon ng bansa laban sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Facebook Comments