Mahigit 155,000 na repatriated OFWs, nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsya

Umabot na sa mahigit 155,000 na mga repatriated Overseas Filipino Workers ang nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsya.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac na karamihan sa mga umuwing OFWs ay mula sa Middle East na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Halos kalahati aniya rito ay ang mga cruise ship seafarers na pumalo sa 70,000.


Habang nasa 78,000 pang mga OFWs aniya sa ibang bansa ang nagpasabi na rin ng kagustuhang umuwi sa bansa.

Ang mga umuwing OFWs ay nakatanggap ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng 10,000-pesos sa ilalim ng AKAP ng Department of Labor and Employment.

Facebook Comments