Apelang i-blacklist ang Chinese beauty product na tumawag sa Maynila na probinsya ng China, ipinauubaya na ng Palasyo sa FDA

Tinawag na kalokohan ng Palasyo ang Chinese beauty product na tumawag sa Manila bilang probinsya ng China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na dapat pinapansin ang produkto dahil wala namang naniniwala na naging probinsya ng China ang Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na ipinauubaya na ng MalacaƱang sa Food and Drug Administration (FDA) ang aksyon sa hiling ni PBA Party-list Representative Jericho Nograles na i-blacklist ang produkto.


Facebook Comments