Mahigit 1,600, gumaling sa COVID-19 sa Cainta, Rizal

Umakyat na sa 1,641 ang mga gumaling sa COVID-19 kung saan 10 ang nakarekober noong linggo kaya’t pumalo na sa 111 na lang ang bilang ng active cases ngayon sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto, umaabot sa 1,812 ang kasong naitala sa pitong barangay habang 60 ang naitalang nasawi at 29 ang naka-admit ang pinakamaraming bilang ay ang Barangay San Andres na umaabot sa 545 na kaso, sinundan ng Barangay San Juan (472), Barangay San Isidro (396), Barangay Sto. Domingo (286), Sto. Niño (50), San Roque na 45 kaso at ang panghuli ay ang Barangay Sta. Rosa na nakapagtala lamang ng 18 kaso ng COVID-19.

Paliwanag ng alkalde, sa kabila ng nararanasan ng mga residente ng Cainta, Rizal dapat ay tuloy-tuloy lang ang buhay basta palaging lamang umanong mag-iingat at sumunod sa patakaran na pinapatupad ng gobyerno.


Dagdag pa ni Nieto na mahigpit ang kanyang mga tagubilin sa lahat ng mga barangay captain sa pitong barangay na dapat palagiang magsuot ng face mask at face shields kapag sila ay lumalabas sa kani-kanilang mga tahanan.

Facebook Comments