
Sumampa na sa 44,513 na pamilya o katumbas ng mahigit 161,000 na indibidwal ang apektado ng pinagsamang epekto ng habagat at ng nagdaang Bagyong Nando at Mirasol.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektado ay mula sa 649 na mga barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Gitnang Luzon, National Capital Region (NCR), CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Sa nasabing bilang, mahigit 16,000 na katao pa ang pansamantalang nanunuluyan sa 341 na evacuation centers sa mga nabanggit na rehiyon.
Base pa sa datos ng NDRRMC, tatlo ang naiulat na nasawi, 13 naman ang nasagutan o nasaktan, at lima ang naitalang nawawala sa pananalasa ng bagyo na patuloy pang beneberipika.
Sa ngayon, mayroong 35 na kalsada at sampung tulay ang hindi muna madaraanan ng mga motorista.
Habang nasa 39 na kabahayan naman ang winasak ng sama ng panahon —28 dito ang partially damaged at 11 ang totally damaged.
Bagama’t nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Nando ay may mangilan-ngilang lugar pa rin ang walang kuryente, tubig, at down ang linya ng komunikasyon.









