Mahigit 17 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng otoridad sa Taguig

Taguig City, Philippines – Nasabat ng mga otoridad ang nasa mahigit tatlong kilo ng hinihinalang shabu na may street value na mahigit sa 17 million piso sa abandonadong mitsubishi lancer na may plakang UAP 625 sa Taguig City.

Ayon kay PSupt. Reynaldo Raja Ramos, hepe ng Special Anti-Drug Operations Unit, pasado ala una kahapon nang unang mapansin ang kahinahinalang galaw ng nabanggit na kotse na pumarada sa parking space ng Market Market sa BGC Taguig City.

Pasado alas dose ng hatinggabi kanina nang buksan ng pinagsanib na puwersa ng Special Anti-Drug Operations Unit at ng Taguig police ang compartment ng kotse.


Dito na bumulaga sa kanila ang kilo -kilong shabu na nakasilid sa isang kahon.

Nakakuha ng mga dokumento na maaring tumukoy sa pagkakakilala ng may-ari ng kotse.

Pero tumanggi muna ang mga ang mga otoridad na ilabas dahil magsasagawa pa sila ng follow up operation.

Nauna nang may ikinasang operasyon ang Special Drug Enforcement Unit ng PNP National Headquarters.

Inaalam pa nila kung may kinalaman ang target nila sa inabandonang mitsubishi lancer.
DZXL558

Facebook Comments