Mahigit 170-K katao, nabigyan na ng 2nd booster shot

Umabot na sa 171,848 indibidwal ang naturukan na ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19.

Sa bilang na ito, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na 83,000 ang senior citizens.

Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan na mahigit 69.2 milyong indibidwal naman ang nakakumpleto na ng primary series laban sa COVID-19.


Higit 2.7 million dito ay edad lima hanggang 11 habang higit 9.3 million ay 12 hanggang 17 taong gulang at 6.7 million ay senior citizens.

Matatandaang Mayo 18 ng payagang bakunahan ang mga senior citizen at health frontliners ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19.

Batay sa DOH guidelines, Pfizer at Moderna ang ituturok bilang ikalawang booster shot para sa mga indibidwal na kabilang sa priority group A1 o health workers at A2 o senior citizens.

Facebook Comments