Umabot na sa 1,725 adult Filipinos ang kasama sa “immunosurveillance” study ng pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara, kasama sa pag-aaral ang mga hindi pa bakunado at mga nakakumpleto na ng dalawang dose.
Sa nasabing bilang, 869 indibidwal ang sumasailalim sa anti-SARS-CoV-2 antibody testing.
Ang pag-aaral na ito aniya ay pamumunuan ng Philippine General Hospital (PGH) sa pangunguna ni Dr. Regina Berba ng University of Philippines (UP)-Manila.
Nabatid na ang immunosurveillance study na tatagal ng 12 hanggang 18 buwan ay nagsimula noong July 1, 2021 at target ang 5,000 participants.
Facebook Comments