Mahigit 17,000 paaralan sa buong bansa, handa na sa expanded face-to-face classes ayon sa DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na handa na ang 17,479 na mga paaralan sa bansa para sa expanded face-to-face classes.

Sa naturang bilang, 17,054 ang pampubliko habang 425 ang pribadong paaralan.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, naka-linya na ang mga nasabing paaralan para sa face-to-face classes matapos pumasa sa School Safety Assessment Tool (SSAT) ng kagawaran.


Sa ngayon, 13,692 na pampubliko at pribadong paaralan na ang sumasabak sa nagsasagawa ng in-person classes.

Tiniyak naman ng DepEd na maglalabas sila ng mga polisiya kaugnay ng progressive expansion ng onsite learning, kasama na ang updated na SSAT.

Facebook Comments