Mga COVID-19 vaccination site, mananatiling bukas sa gitna ng campaign season

69

Mananatiling bukas ang mga COVID-19 vaccination site kahit pa abala na ang mga lokal na pamahalaan sa pangangampanya.

Ayon kay Department of the Interior Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, walang isasara na mga bakunahan lalo na sa mga probinsiya dahil mahalagang mabakunahan lahat ang mga hindi pa nakakatanggap ng COVID vaccine.

Aniya, nakausap na ng DILG ang mga local health official para tuloy-tuloy ang pagbakuna sa gitna ng campaign period.


Sabi pa ni Densing, may mga probinsiya pa rin na mababa ang bilang ng mga nabigyan ng primary dose at booster shot ng COVID-19 vaccine lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaya ito ang tututukan ng gobyerno.

Facebook Comments