Umabot sa 1,848 katao ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa umiiral na curfew sa Metro Manila sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, sa 1,848 na violators, 605 rito ang binigyan ng warning habang pinagmulta naman ang nasa 1,235.
Mayroon namang walong sumailalim aniya sa community service.
Umiiral ang curfew sa Metro Manila, alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga, simula kahapon August 6 hanggang August 20, 2021.
Kasabay nito, naniniwala ang PNP chief na malaking bagay ang curfew para malimitahan ang paglabas ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng Delta variant.
Facebook Comments