MAHIGIT 18K UNREGISTERED FIREARMS, NAISUKO SA OPLAN KATOK NG PNP

Tinatayang aabot sa mahigit 18,000 na unregistered firearms ang naitala ng PNP mula sa Lambak ng Cagayan na resulta ng kanilang isinasagawang “Oplan Katok”.

Sa ibinahaging impormasyon ng pulisya, nasa 40,000 firearm holder sa rehiyon dos kung saan 18,000 sa mga ito ay paso ang lisensya.

Kaugnay nito, maigting ang ginagawang Oplan Katok sa mga firearm holder na expired ang lisensya na isuko muna sa himpilan ng pulisya habang inaayos ang lisensya.

Katuwang naman ng Civil Security Group ang bawat himpilan ng pulisya sa pagbibigay paalala sa mga gun owners para ideposito o isuko ang kanilang baril para iwas sa memo.

Kung sakali kasi na hindi ipinasakamay sa pulisya ng isang gun holder/owner na expired ang lisensya ay bibigyan ito ng memorandum at sisilbihan ng search warrant.

Facebook Comments