Mahigit 1,900, bagong gumaling sa COVID-19

43

 

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,956 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,752,173 ang kabuuang ng COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 1,297 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,821,753 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 0.8% o 23,158 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

305 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 46,422 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments