Umabot na sa mahigit 1,900 na pamilya sa Ilocos Sur ang naapektuhan ng lindol.
Kasunod ito ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra kahapon.
Sa bilang na ito, 900 pamilya o mahigit 3,500 na indibidwal ang nasa evacuation centers.
Sa isinagawang inspeksyon at briefing ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Erwin Tulfo sa Ilocos Sur, naiulat na isa ang nasawi at 10 ang sugatan matapos ang malakas na pagyanig.
Tinatayang 23 na mga munisipalidad ang apektado sa Ilocos Region.
Nasa labing tatlo mga kabahayan naman ang naitala na lubhang napinsala ng lindol at labing tatlo mga kabahabayan din ang bahagyang nasira.
Samantala, batay sa inisyal na ulat, ang DSWD Field Office 1 ay may nakahandang ipamahagi na mahigit 17,000 family food packs sa mga apektadong pamilya at indibidwal na nagkakahalaga ng ₱10 milyon.
Habang may nakahanda ring ₱10 milyon na pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng ahensya at ₱2 milyon na standby funds.