Mga senador, mag-aambagan para sa mga biktima ng lindol

133

Iminungkahi ni Senate President for Tempore Loren Legarda na mag-aambagan ang mga senador mula sa sarili nilang mga sweldo.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, layunin ng mungkahi ni Legarda na matulungan ang mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Luzon.

Kaugnay nito ay sinabi ni Zubiri na tutukuyin muna nila kung sino ang mga recipient o pagbibigyan ng kanilang tulong.


Inatasan naman ni Zubiri si Senate Majority Leader Joel Villanueva na pangunahan ang pagtalakay nito sa kanilang team at mga kasamahang senador.

Inihayag naman ni Villanueva, ang pakikiramay ng Senado sa mga biktima ng lindol at kanyang binigyang-diin ang kanilang hangarin na makatulong.

Facebook Comments