Nasa 85% o katumbas ng 192, 000 mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ngayong holiday season.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., layon nitong matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Ani Azurin, ipakakalat ang mga pulis sa mga pampubliko at matataong lugar tulad ng mall, parke, tiangge, paliparan, pantalan at mga bus terminal.
Maging ang mga pulis na karaniwang naka-assign sa administrative na trabaho ay bibigyan ng patrol duty ngayong magpa-Pasko.
Samantala, epektibo sa Disyembre 15 hanggang Enero 10 ng susunod na taon ay kanselado muna ang leave ng mga pulis.
Una nang sinabi ng PNP na simula Disyembre 1 ay nasa heightened alert na ang buong PNP.
Samantala, sa darating na Disyembre 15 hanggang Enero 18 ng susunod na taon ay magpapatupad na ang PNP ng full alert sa buong bansa.