Halos dalawang pisong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ng ilang kompanya ng langis, sasalubong sa mga motorista bukas!

Good news sa mga motorista!

Kasado na ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis bukas, December 6.

Magpapatupad ang Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex ng P1.95 na price rollback sa kada litro ng gasolina; P1.90 sa diesel at P1.65 sa kerosene.


Ipapatupad ito ng Pilipinas Shell at Seaoil ng ala-sais ng umaga, habang ang Caltex ay alas-dose ng hatinggabi.

Ganito rin ang ipatutupad ng price adjustment ng Petro Gazz, Clean Fuel at PTT Philippines, maliban sa kerosene.

Ipapatupad ito ng Petro Gazz at PTT Philippines ng ala-sais ng umaga, habang ang Clean Fuel ay alas-otso ng umaga.



Ang panibagong tapyas-presyo ng imported na petrolyo ay dahil sa paghina ng demand sa China bunsod ng ipinatutupad na lockdown dahil sa COVID-19.

Facebook Comments