Mahigit 1M na halaga ng shabu, nasamsam sa Quezon City

Timbog ang dalawang lalaking tulang umano ng ipinagbabawal na droga sa Quezon City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang suspek na sina Brian Moran Carion, 22-anyos, at Luigi Tuliao Gines, 23- anyos, at parehong residente ng Brgy. Pembo, Makati City.

Nasamsam ng mga otoridad mula sa kanila ang 150 grams na suspected shabu na may katumbas na halaga na ₱1,020,000.


Maliban sa iligal na droga, kinuha rin ng mga pulis ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money, ₱70,000 na boodle money; dalawang motorsiklo na ginamit ng mga suspek at isang unit ng cellphone na naglalaman umano ng mga contact number ng kanilang mga parokyano at illegal drugs distributor.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District o QCPD, ginawa ang nasabing operasyon noon April 24, 2020 pasado alas-7:00 ng gabi sa Forest Hills Subd. Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sinabi rin nito na nakahanda na ang kaso laban sa mga suspek kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments