Mahigit 2.3 milyong bakuna ng Pfizer at Janssen, dumating sa bansa kagabi

Dumating na sa bansa kagabi ang 859,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno sa Estados Unidos.

Pasado alas-9 ng gabi nang dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino international Airport Terminal 3.

Samantala, kagabi rin dumating ang 1,526,400 doses ng Janssen COVID-19 vaccines na donasyon naman ng Dutch government sa bansa.


Parte ito ng 7.5 million Janssen COVID-19 vaccines na ibinigay sa Pilipinas.

Batay sa datos ng National Task Force against COVID-19, nasa 158,540,170 doses na ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Habang as of December 13, nasa 41 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Facebook Comments