Mahigit 2.4-M pasahero inaasahang dadagsa sa PITX sa panahon ng Undas

Aabot sa mahigit dalawang milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa panahon ng Undas.

Ayon sa pamunuan ng PITX, kabuuang 2.4 million ang inaasahang foot traffic o dami ng mga pasaherong gagamit ng terminal mula sa Lunes, October 21 hanggang sa November 5.

Inaasahan naman na pinaka-dadagsain ang terminal kung saan 20 porsyentong mas mataas ang bilang ng mga pasahero pagsapit ng October 30 at 31.


Dito ay tinatayang papalo sa mahigit 158,000 at 175,000 ang mga pasahero sa PITX sa nasabing araw.

Kaugnay niyan, nakikipag-ugnayan na ang PITX sa iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno upang masiguro ang kaayusan ng mga biyahe at kaligtasan ng mga pasahero sa paggunita sa Undas.

Facebook Comments