Mahigit 2-M lifeline customers ng Meralco, may diskwento sa susunod na buwan

81

Mahigit dalawang milyong lifeline customers ng Manila Electric Company (Meralco) ang makikinabang sa malaking diskwento sa kanilang electricity bill sa susunod na buwan.

Kasunod ito ng sanction ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco matapos ang “bill shock” ng mga customer noong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa Meralco, makakatanggap ng ₱206.47 na diskwento ang mga kumukonsumo ng 100 kilowatt hour (kWh), habang ₱151.05 ang mababawas sa mga kumukonsumo ng 70 kWh at ₱114.10 ang diskwento sa mga kumukonsumo ng 50 kWh.

Facebook Comments