Mahigit 2 milyong backlogs sa passport, naitala ng DFA

Aabot sa 2.3 milyong backlogs sa issuance ng passports ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Senen Mangalile, naitala ito sa pagitan ng taong 2019 at 2020 nang unang pumutok ang pandemya.

Noong 2019 ay nakapaglabas sila ng mahigit apat na milyong passports habang nitong nakaraang taon ay pumalo lamang ito sa 1.7 million.


Mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ay nasa 1.7 million ang distribusyon ng passports.

Bukod dito, tiniyak naman ni Mangalile na maayos ang application, proseso, at delivery services bagama’t problemado sa mahigit 26,000 applications na may mali sa pangalan o birthdate.

Facebook Comments