Inihayag ng Quezon City government na hanggang kahapon, umabot na sa 2,871,443 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa vaccination program ng Quezon City governmennt.
Ayon sa Local Government Unit (LGU), nasa 1,749,995 o katumbas ng 94% ang nabakunahan na ng first dose habang 1,121,447 o 69.82% ang nabakunahan ng second dose.
Paliwanag ng QC LGU, sa kabuuan umano ay 1,215,177 o 71.48% ng target adult population ang maituturing na fully vaccinated na, kabilang na ang mga naturukan ng single-dose vaccine na Johnson & Johnson.
Dagdag pa ng QC government, ang pamimigay ng bakuna sa mga residente ng Quezon City ay lagpas na sa 1.7 milyong target population ng lokal na pamahalaan.
Facebook Comments