Binigyan ng Philippine National Police (PNP) Bayaning Pulis Foundation ng educational assistance ang 23 mga naulila ng mga operatiba ng Pambansang Pulisya.
Ang mga ito ay naulila matapos gampanan ng kanilang magulang na pulis ang kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia, kasabay ng pagbibigay ng suporta sa 23 mga scholar na mga anak ng pulis, ay inaalala rin ang ginawang kabayanihan ng mga ito upang mapanatiling mapayapa at maayos ang ating kumunidad at bansa.
Nabatid na tatanggap ang mga benepisyaryo ng educational expenses, tulad ng free tuituon fee at school suppplies.
Facebook Comments