Umabot sa 19 na kabahayan at 7 mga imprastraktura sa MIMAROPA ang naitalang bahagyang napinsala matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa iba’t ibang lugar bahagi ng Luzon partikular sa episentro nito sa Calatagan, Batangas nitong Huwebes, June 15.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa higit ₱167-K ang halaga na pinsala ng nasabing lindol sa mga kabahayan at higit ₱1-M naman ang halaga ng pinsala nito sa mga imprastraktura.
Habang 18 indibidwal o katumbas ng walong pamilya sa nasabing rehiyon ang naapektuhan.
Nabatid na 54 na pagyanig ang naitala sa Luzon kung saan 24 dito ay plotted earthquake na ang ibig sabihin ay natukoy at nasukat ng nasa tatlong PHIVOLCS seismic stations.
Facebook Comments