*Cauayan City, Isabela*- Nakapagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever ang Bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya matapos magpositibo sa sakit ang 17 baboy.
Ayon kay Mayor Ralph Lantion, agad na isinailalim sa culling o pagbaon at pagpatay ang nasa mahigit 200 baboy na apektado ng ASF sa buong barangay La Torre North.
Isinailalim na rin sa locked-down ang nasabing barangay para matiyak ang hindi pagkalat ng nasabing sakit ng baboy.
Dagdag pa ng alkalde na naapektuhan na rin ang ilang kalapit na barangay ng La Torre South, Luyang, Casat.
Agad na ipinag utos nito ang 24 oras na pagbabantay ng pulisya at iba pang volunteers sa walong checkpoint para matiyak ang hindi paglala ng sitwasyon sa lugar matapos lumabas ang resulta nitong huwebes, Marso 5,2020.
Tiniyak ng alkalde ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga hograiser na naapektuhan ng sakit ng baboy.