Mahigit 200 bagong kaso ng UK variant at South Africa variant ng COVID-19, kinumpirma ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH), gayundin ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang naitala sa bansa na isang karagdagang kaso ng India variant, gayundin ng 104 na bagong kaso ng United Kingdom (UK) variant, 137 na dagdag na kaso ng South African variant at na kaso ng 4 Philippine variant.

Ayon sa DOH, ang isang kaso ng India variant na isang Returning Overseas Filipino (ROF) mula United Arab Emirates (UAE) at taga-Cordillera Administrative Region (CAR) ay gumaling na.

Sa kabuuan, ang kaso na sa bansa ng India variant ay 13.


Ang 104 naman na bagong kaso ng UK variant,89 dito ay local cases, habang ang 14 na iba pa ay hindi pa matukoy kung local o ROF cases.

Sa nasabing kaso, 5 pa ang aktibo habang 3 ang namatay at 96 ang gumaling na.

Sa kabuuan, ang kaso na ng UK variant sa bansa ay 1,071.

Habang sa 137 na bagong kaso ng South Africa variant cases, 1 dito ang ROF, 127 ang local cases, at 9 ang hindi pa matukoy kung local o ROF cases.

9 din dito ang active cases habang 5 ang binawian ng buhay at 123 ang gumaling na.

Sa kabuuan, ang kaso na ng South Africa variant sa Pilipinas ay 1,246.

Sa 4 na bagong P.3 variant cases naman, 3 dito ang local cases habang ang 1 ay inaalam pa kung local o ROF case.

Ang 4 na bagong kaso ng nasabing variant ay pawang gumaling na.

Facebook Comments