Muling kinalampag ng Ibon Foundation ang Duterte administration na gumawa ng hakbang upang tugunan ang kahirapan sa bansa.
Kasunod na rin ito ng forecast ng World Bank na halos dalawang milyong Pilipino ang nakaranas ng kahirapan nitong 2020 dahil sa pandemya.
Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa na ilabas na ng Duterte administration ang mahigit 200 billion pesos na hindi nagastos mula sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2.
Batay sa pagtataya ng Ibon, nasa 50 billion pesos ang hindi nagastos sa pondo sa Bayanihan 1 habang 167 billion pesos naman ang sobrang pera mula sa Bayanihan 2.
Facebook Comments