Sumalang sa antigen COVID-19 test ang mag emplayado ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa depot sa unang araw ng kanilang balik trabaho matapos ang Lenten season
Nasa 217 na manggawa ang sumalang sa pagsusuri at lahat naman ay nagnegatibo.
Ang ginawang antigen test ay bahagi ng programa ng MRT-3 para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan pati ang mga pasahero.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bahagi ng kanilang pag-iingat ang regular na pagsusuri sa kanilang mga kasamahan.
Matatandaan na kasabay ng holy week ay marami ang umuuwi sa kanilang mga probinsya at hindi tiyak ang mga nakasalamuha kaya’t mas minabuti na isagawa ang antigen testing bago ang pagbalik sa trabaho.
Facebook Comments