Mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban, umaabot na sa 2,670

52

Patuloy ang pagdami ng mga naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban na ngayon ay umaabot na sa 2,670.

Ang mga ito ay nahuli sa 2,549 checkpoint operations na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) mula January 9 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,568 habang 44 ang security personnel, 16 miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at 25 ang iba pa.


Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang National Capital Region (NCR) na nasa 996; kasunod ang Region 7 na nasa 293; Region 4A na nasa 291; Region 3 na nasa 196; at Region 6 na nasa 154.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 2019 firearms na karamihan ay small arms; 989 deadly weapon kabilang ang 989 pampasabog; at mahigit 10,000 mga bala.

Facebook Comments