Mahigit 200 health facilities sa bansa, nasa kritikal na ang health care utilization rate

Umabot na sa 85% o critical-risk ang Healthcare Utilization Rate (HCUR) ng 236 na health facilities sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 25 sa mga critical-risk na ang HCUR ay mula sa National Capital Region (NCR).

Ang HCUR ay tumutukoy sa dami ng okupadong hospital bed para sa isolation, ward, at Intensive Care Unit (ICU) beds gayundin ang paggamit ng mechanical ventilators.


Tiniyak naman ni Vergeire na tuloy-tuloy ang kanilang pagkuha ng mga healthcare workers kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sa katunayan aniya, 4,851 health workers na ang kanilang na-hire simula noong Marso.

Facebook Comments