PDEA, nagbabala sa publiko laban sa mga fake PDEA agent

Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko laban sa mga nagpapakilalang PDEA agent.

Ginawa ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang babala matapos na mapatay sa isang anti-drug operation sa Camarines Sur ang isang nagpapanggap na PDEA agent.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nasawi na si Noel Vasquez, 32-anyos, at residente ng Barangay San Jose, Bombon, Camarines Sur.


Ayon sa local police, kabilang si Vasquez sa kanilang watch list ng drug personalities at pangunahing taga-suplay ng illegal drugs sa Bombon at kalapit na munisipalidad.

Nagpapakilala umano si Vasquez na isang PDEA agent para takutin ang kaniyang mga kakumpitensya sa illegal drug trade.

Batay naman sa PDEA National Drug Information System, si Vasquez ay nakalista bilang drug surrenderer sa Barangay Liboton, Naga City, Camarines Sur.

Facebook Comments