Mahigit 200 indibidwal, inilikas sa Cagayan dahil sa epekto ng Bagyong Maring – NDRRMC

Nagsagawa na ng preemptive evacuation sa Baggao, Cagayan dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 72 pamilya o katumbas ng 224 indibidwal ang inilikas na hanggang ngayong araw sa Baggao, Cagayan na nasa ilalim ng Signal No. 2.

Patuloy naman ang evacuation sa iba pang munisipalidad at nangangalap pa ng datos ang NDRRMC rito.


Samantala, dahil sa sama ng panahon, wala nang suplay ng kuryente sa lahat ng barangay sa Sta. Ana, Cagayan.

Suspendido na rin ngayon ang mga klase mula sa Pre-school hanggang High School sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.

Facebook Comments