Mahigit 200 kaso ng pagpatay kaugnay ng anti-illegal drug campaign, paiimbestigahan na rin ng DOJ sa NBI

Nakatakda ng i-endorso ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) para siyasatin ang 250 na kaso ng pagpatay kaugnay ng war against drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inihahanda na ng review panel ng DOJ ang pagsusumite sa NBI ng mga dokumento hinggil sa mga operasyon kontra illegal na droga sa Central Luzon.

Nauna nang inendorso ng DOJ sa NBI ang 52 na kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng mga pulis habang isinasagawa ang anti-drug operation.


Sa 52 na kaso, apat na ang naiakyat sa korte habang may limang iba pa ang sinisimulan na rin ang proseso sa piskalya.

Facebook Comments