DOH, nakapagtala ng higit 1,000 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 1,067 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 951 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,663,059 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 51,592 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 1,652 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,555,016 na ang recoveries.

Samantala, wala namang nasawi ngayong araw kung kaya’t nananatili sa 56,451 ang bilang ng mga nasawi.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 27 habang may siyam na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments