Quezon City – Kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mahigit dalawang daang kilong karne ng baboy sa isinagawang surprise inspection sa Balintawak Market sa Quezon City.
Ilang sa mga stalls na sinita at kinumpiska ang mga paninda ay dahil sa hindi nakalagay sa chiller ang mga frozen meat, habang ang iba naman ay walang mga permit at meat inspection certificate.
Ilan pa sa mga nasita ay iniiwan na lamang sa sahig ang kanilang mga paninda sa sahig ng palengke.
Karamihan din sa mga idini-display ay mga karneng luma na kaya’t kanila itong binigyan ng warning at kung uulit muli ay maaaring pagmultahin ng 50,000 hanggang 100,000 pesos.
Paalala ng NMIS, kailangang maging mapanuri ang mga mamimili sa tuwing bibili ng karne dahil kalusugan ang nakasalalay dito.