Empoy Marquez, nilinaw ang isyu tungkol sa kanila ni Shy Carlos

78

Manila, Philippines – Nilinaw ni Empoy Marquez na wala siyang plano na ligawan ang bago nitong leading lady na si Shy Carlos, ito’y sa kabila ng lumalabas na isyu na pinopormahan daw nito ang aktres.

Ayon kay Empoy, bagama’t maganda at mabait si Shy, mas uunahin muna daw nito ang kaniyang career lalo na’t unti-unti na siyang nakikilala sa limelight ng showbiz.

Kahit na 2 years ng single, darating daw ang time para sa lovelife niya pero hindi na muna sa ngayon kung saan umaasa siya na muli niyang makakatambal si Alessandra De Rossi na leading lady niya sa “Kita Kita” sa mga susunod niyang project.

Sa kabila naman ng masakit na karanasan niyang ito sa isang hindi taga-showbiz, pipiliin pa rin daw ni Empoy ang isang non-showbiz girl bilang nobya.

Facebook Comments