Mahigit 200 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang napatay na drug suspek sa Las Piñas City

517

Aabot sa 210.8 milyong pisong halaga ng shabu ang narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Las Piñas Police sa Las Piñas City.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Almanza Uno, Las Piñas City kung saan napatay sa operasyon sina Richard Jen Jieko Salameda Amara alyas Koy-koy at Andrew Guinto Garcia.


Nakumpiska sa dalawa ang 31 kilos ng shabu na may standard drug price na P210,800,000.

Narekober din ang ilang baril at bala mula sa mga nasawing drug suspek.

Batay sa pag-imbestiga ng mga awtoridad, natukoy na ang dalawang naarestong suspek ay mga kilalang distributors ng illegal drugs at miyembro ng Sputnik Gang at Amarga Drug Group.

Sila ay kumukuha ng supply ng droga sa ilang Chinese nationals sa Myanmar.



Facebook Comments